Saturday, September 11, 2010

:)

Cool.

Nakalimutan kong puwede pala akong maglabas ng sama ng loob dito dahil wala namang nakakaalam ng lugar kong ito. Kaya malaya akong sabihin lahat ng gusto kong sabihin dito.

Nagseselos ako.

:)

Saturday, June 5, 2010

Hairband

Nasa jeep tayo, magkatabi. Dahil sa mahaba ang buhok mo't ayaw mong magtali, nagkagulo at napunta sa mukha mo lahat ng buhok mo. Ako naman itong buang na gustong makita ng maayos ang ganda mo, sinampay ko sa tenga mo ang buhok mo.

'Di ko alam kung bakit kinilig ako ng kaunti dun. Ganun lang siguro ako kababaw.

Thursday, May 27, 2010

Bla bla

"Sana ‘wag niya na po akong kausapin Lord. Ayoko na siyang makita. Ayoko na ng kahit na anong balita na tungkol sakanya. ‘Wag na. Alam kong wala naman akong ibang mababalitaan kung hindi ang kalandiang pinag-gagagawa niya. Ganon siya ka-desperado. Opo. tatahimik na ako."

Ikaw ang may sabi niyan. Hindi mo man direktang sinabi sa pagmumukha ko, tinamaan naman ako sa blogpost mong 'yan. Ang sakit pala sa pakiramdam ang masabihan ng desperado. Para akong binato ng malaking aparador sa ulo. Ang kati. Tumagos.

Sa tingin ko nga'y desperado ako. Kaya nga siguro niligawan kita dati. Ayos ka namang nobya. Hindi ko lang alam kung bakit inayawan kita. Dahil siguro sa distansya. Masyado tayong magkalayo kaya naisip kong parang mahirap.

Mahirap talaga.

Hayaan mo. Hindi na kita kakausapin. Mukhang ayaw mo na talaga akong makausap dahil nagawa mo pang ipagdasal ang pag-iwas ko. Hindi na kita guguluhin. Hindi na ako magpaparamdam. Buburahin ko na ang sarili ko sa landas mo.

Hindi na rin siguro ako maghahanap ng iba. Papakinggan ko na lang siguro ang walang kamatayan nilang payo na "hintayin mo lang, darating din 'yan." Ganun na nga lang siguro. Maghihintay na lang ako.

Maghihintay na lang ako sa wala.

Tuesday, May 25, 2010

Dapat may ninang kang diwata.

Kung kasing dali lang siguro ng Photoshop ang pagpapapogi at ng GTA ang pagpapapera, siguradong nobya na kita ngayon. Pero hindi ganun ang buhay, kaya hanggang tingin lang ako.

Bakit ba naman kasi sa dami ng magugustuhan ko, ikaw na model-modelan pa ang drama ang natipuhan ko. Pero makikita ko naman sa'yong masaya ka sa ginagawa mo kaya mabuti 'yan. Kapag nakikita ko ang mga kasama mong lalaking modelo, nako naman, pati ako nababakla sa kagwapuhan. Parang gusto ko silang bigyan ng blowjob isa-isa. Pero bukod dun, pumapasok din sa maliit kong utak ang malaking posibilidad na maaaring magkagusto ang kahit na isa lang sa mga kasama mo sa'yo. Osige, kahit na dalawa na.

Maganda ka, hindi maipagkakaila. Parang magnet ang ganda mo kaya't 'di ko mapigilang titigan ka ng may halong malisya. Biro lang. Saksakan ka rin ng bait. Ikaw siguro 'yung tipong kapag namatay eh magiging santa na kaagad, wala nang maraming pag-uusapan pa. May pera ka rin at galante. Kaya hindi malabong mahulog sila sa'yo.

Hindi ko naman ikinakatakot 'yun pero ikinakakaba ko. Ano ba naman ang panama ng isang sunog-baga at sunog-atay na tulad ko na wala nang ginawa kundi tumunganga sa mga ulap at isipin ka buong maghapon? Kung ikukumpara sa kanila, isa lang siguro akong mantsa sa puting polo.

Mahirap pala 'yung ganito. Akala ko'y nang-uuto lang 'yung mga napapanood ko sa pelikula. Totoo palang nangyayari ang mga ganung bagay at nangyayari na nga sa'kin. Bigtime ang bidang babae at maruming ipis lang ang lalaki. Gusto ko ring maniwala na totoong happy ending din ang mangyayari sa love story ko. 'Yung magtatakbuhan kami sa beach habang tumutugtog 'yung theme song ng pelikula at maglalaplapan sa huli.

Ang sarap mangarap.


Ang laki ng bunganga mo.

Nakakabobo sa barkada 'yung masyadong maingay. 'Yung tipong lagi siyang bida sa mga sarili niyang kwento. Ay hindi pala, sila lagi ang bida ng mga kaibigan niya sa sarili nilang kwento. Siya lagi ang magaling, siya lagi ang dumadada, siya lagi ang nagpapakara.

Nakakaurat kasama ang mga ganitong tao. Hindi ka makakasabat. Kapag nagbigay ka ng opinyon, ipapamukha niya sa'yong mukhang titi 'yung opinyon mo, walang kakwenta-kwenta. Kapag nagkaron ka naman ng pagkakataong magkwento, siguradong mas bongga ng isang libong beses 'yung ikukwento niya pagtapos mo, 'yun ay kung patatapusin ka niyang magkwento.

Ito 'yung mga kaibigang madalas mong hindi maaasahan maliban sa pagbabahagi ng kahambugan. Ituturo niya sa'yo ang gagawin. Siya ang magpaplano ng lahat. At kapag pumalpak, siyempre siya ang unang maninisi.

Kailangan lang siguro ng blowjob ng mga ganyang tao.