Thursday, May 27, 2010

Bla bla

"Sana ‘wag niya na po akong kausapin Lord. Ayoko na siyang makita. Ayoko na ng kahit na anong balita na tungkol sakanya. ‘Wag na. Alam kong wala naman akong ibang mababalitaan kung hindi ang kalandiang pinag-gagagawa niya. Ganon siya ka-desperado. Opo. tatahimik na ako."

Ikaw ang may sabi niyan. Hindi mo man direktang sinabi sa pagmumukha ko, tinamaan naman ako sa blogpost mong 'yan. Ang sakit pala sa pakiramdam ang masabihan ng desperado. Para akong binato ng malaking aparador sa ulo. Ang kati. Tumagos.

Sa tingin ko nga'y desperado ako. Kaya nga siguro niligawan kita dati. Ayos ka namang nobya. Hindi ko lang alam kung bakit inayawan kita. Dahil siguro sa distansya. Masyado tayong magkalayo kaya naisip kong parang mahirap.

Mahirap talaga.

Hayaan mo. Hindi na kita kakausapin. Mukhang ayaw mo na talaga akong makausap dahil nagawa mo pang ipagdasal ang pag-iwas ko. Hindi na kita guguluhin. Hindi na ako magpaparamdam. Buburahin ko na ang sarili ko sa landas mo.

Hindi na rin siguro ako maghahanap ng iba. Papakinggan ko na lang siguro ang walang kamatayan nilang payo na "hintayin mo lang, darating din 'yan." Ganun na nga lang siguro. Maghihintay na lang ako.

Maghihintay na lang ako sa wala.

No comments:

Post a Comment