Nakaamoy ako ng alak kaya dalidali akong naligo para lumabas at makiinom sa matatanda. Ganyan kakapal ang pagmumukha ko na kahit siguro is-isin mo ng kitchen knife ay 'di magagasgasan.
Paglabas ko, medyo nahiya muna ako ng kaunti. Tumambay muna ako sa labas ng gate at nagpahangin kunwari. Tumitingin-tingin ako sa loob kung may mapupuwestuhan pa ba ko kung sakaling papasok. Ayoko namang magmukhang kawawang nakatayo lang sa isang sulok habang nag-lalaway sa pulutan.
Nag-abang muna ko ng tamang pagkakataon. Lumabas 'yung isa, umihi, lumapit sa'kin, niyaya ako. Sakto. Hindi na ko nagpakipot. Dalidali akong sumama para madaanan na ng alkohol ang tigang kong lalamunan.
Ayos pala sa loob eh. Nakabuyangyang lang ang pulutan kasama ng mga baryang ipanghuhulog mo sa bidyoke. Ayaw kong kumanta. Hindi pa malakas ang loob ko para iparinig ang boses kong nakapagpapagaling ng may sakit. Saka na siguro pag lasing na ko. Patuloy lang ang inom, patuloy lang ang tawanan, patuloy lang ang pakikisama. Ayokong mahampas ng bote sa noo.
Hatinggabi na.
Ubos na ang serbesa't nauuhaw pa ako. Ang kapal naman ng mukha ko kung hihingi pa ko ng karagdagan. Hinintay ko silang magkusa at sa awa ng kung sinumang maawain, nagkusa sila. Nagpresinta na akong sumama sa pagbili at maging tagabuhat na rin. Medyo malapit lang naman ang tindahan kaya oks lang.
Pahinga muna saglit sa daan. 4/20 muna. Ayos. Lintek na wala kaming dalang apoy para sindihan ang bestfriend naming halaman. Wala kaming magawa. Kumapa ako sa bulsa ko. Nagbakasakaling may makapang kung ano man. At meron nga. Isang pirasong tsokolateng tagpipiso.
Pinalaman namin dito 'yung damo sabay subo. Soya.
Diretso na kami sa tindahan. Nagkaabutan na ng bayad at ng alak nang biglang may humintong sasakyan sa harap namin. Biglang bumaba ang mga pulis, ilang tanod, mga bondat na alagad ng batas mula sasasakyang mukhang luma na. Kinabahan kami. Masyado namang marami ito kung huhulihin kami nang dahil lang sa curfew. Hindi kami nataranta. Hinayaan lang namin sila. May mga dalang mahahabang baril, sino ba naman hindi tatalbog ang puso sa kaba?
Dumiretso sila sa isang eskinita na parang eksena sa isang pelikula. Mukhang may gulo. Binilisan na namin ang kilos at pinagpatuloy ang inuman.
Hindi ko na matandaan ang iba pang nangyari. Nagising na lang ako sa Baranggay Hall.

No comments:
Post a Comment