Tuesday, May 4, 2010

Mahal ko si Ermats.

Malapit na pala ang Araw ng mga Ermats. Wala akong pera at trabaho kaya hindi ko alam kung mabibigyan ko ng masayang Ermats Day itong si ermats. Nung mga nakaraang taon nga, laging bati at yakap lang ang regalo ko sa kanya. Malamang sa alamang, batang musmos at dakilang palamunin palang ako noon kaya siguro ganun. Well hanggang ngayon naman ay palamunin parin ako..

Pero ngayong medyo malaki na ang Adams Apol ko at makapal na rin ang bulbol ko sa kilikili, parang napakainutil ko naman kung hindi ko mahahandugan si ermats ng kahit na apat na pirasong Boy Bawang at limang-pisong palamig man lang. Masakit sa damdamin ko 'yun bilang panganay at pinakagwapong anak. (dalawa lang naman kaming magkapatid at dalaga ang utol ko kaya ako ang pinakagwapo, at hindi ko alam kung bakit ko pinapaliwanag ito sayo)

Ilang araw na lang ang bibilangin bago ang mahalagang araw niya maliban sa kanyang kaarawan kaya kailangang makaisip ako ng mahusay na paraan para naman mapasaya ko siya kahit sa araw man lang na iyon. Puwede akong mangutang sa mga kaibigan. Hihingi na lang ako kay ermats ng pambayad sa mga susunod na araw..

Kaya sa mga ermats niyo, pakiabot ang aking pagbati ng Maligayang Araw ng mga Ermats..

1 comment:

  1. Buti pa ako may naipong pera. Mga kupit ko sa nanay ko. 'Yun nalang gagamitin ko. Sana ma-touch siya kapag nalaman niya kung saan galing ang pera.

    ReplyDelete