Thursday, May 27, 2010

Bla bla

"Sana ‘wag niya na po akong kausapin Lord. Ayoko na siyang makita. Ayoko na ng kahit na anong balita na tungkol sakanya. ‘Wag na. Alam kong wala naman akong ibang mababalitaan kung hindi ang kalandiang pinag-gagagawa niya. Ganon siya ka-desperado. Opo. tatahimik na ako."

Ikaw ang may sabi niyan. Hindi mo man direktang sinabi sa pagmumukha ko, tinamaan naman ako sa blogpost mong 'yan. Ang sakit pala sa pakiramdam ang masabihan ng desperado. Para akong binato ng malaking aparador sa ulo. Ang kati. Tumagos.

Sa tingin ko nga'y desperado ako. Kaya nga siguro niligawan kita dati. Ayos ka namang nobya. Hindi ko lang alam kung bakit inayawan kita. Dahil siguro sa distansya. Masyado tayong magkalayo kaya naisip kong parang mahirap.

Mahirap talaga.

Hayaan mo. Hindi na kita kakausapin. Mukhang ayaw mo na talaga akong makausap dahil nagawa mo pang ipagdasal ang pag-iwas ko. Hindi na kita guguluhin. Hindi na ako magpaparamdam. Buburahin ko na ang sarili ko sa landas mo.

Hindi na rin siguro ako maghahanap ng iba. Papakinggan ko na lang siguro ang walang kamatayan nilang payo na "hintayin mo lang, darating din 'yan." Ganun na nga lang siguro. Maghihintay na lang ako.

Maghihintay na lang ako sa wala.

Tuesday, May 25, 2010

Dapat may ninang kang diwata.

Kung kasing dali lang siguro ng Photoshop ang pagpapapogi at ng GTA ang pagpapapera, siguradong nobya na kita ngayon. Pero hindi ganun ang buhay, kaya hanggang tingin lang ako.

Bakit ba naman kasi sa dami ng magugustuhan ko, ikaw na model-modelan pa ang drama ang natipuhan ko. Pero makikita ko naman sa'yong masaya ka sa ginagawa mo kaya mabuti 'yan. Kapag nakikita ko ang mga kasama mong lalaking modelo, nako naman, pati ako nababakla sa kagwapuhan. Parang gusto ko silang bigyan ng blowjob isa-isa. Pero bukod dun, pumapasok din sa maliit kong utak ang malaking posibilidad na maaaring magkagusto ang kahit na isa lang sa mga kasama mo sa'yo. Osige, kahit na dalawa na.

Maganda ka, hindi maipagkakaila. Parang magnet ang ganda mo kaya't 'di ko mapigilang titigan ka ng may halong malisya. Biro lang. Saksakan ka rin ng bait. Ikaw siguro 'yung tipong kapag namatay eh magiging santa na kaagad, wala nang maraming pag-uusapan pa. May pera ka rin at galante. Kaya hindi malabong mahulog sila sa'yo.

Hindi ko naman ikinakatakot 'yun pero ikinakakaba ko. Ano ba naman ang panama ng isang sunog-baga at sunog-atay na tulad ko na wala nang ginawa kundi tumunganga sa mga ulap at isipin ka buong maghapon? Kung ikukumpara sa kanila, isa lang siguro akong mantsa sa puting polo.

Mahirap pala 'yung ganito. Akala ko'y nang-uuto lang 'yung mga napapanood ko sa pelikula. Totoo palang nangyayari ang mga ganung bagay at nangyayari na nga sa'kin. Bigtime ang bidang babae at maruming ipis lang ang lalaki. Gusto ko ring maniwala na totoong happy ending din ang mangyayari sa love story ko. 'Yung magtatakbuhan kami sa beach habang tumutugtog 'yung theme song ng pelikula at maglalaplapan sa huli.

Ang sarap mangarap.


Ang laki ng bunganga mo.

Nakakabobo sa barkada 'yung masyadong maingay. 'Yung tipong lagi siyang bida sa mga sarili niyang kwento. Ay hindi pala, sila lagi ang bida ng mga kaibigan niya sa sarili nilang kwento. Siya lagi ang magaling, siya lagi ang dumadada, siya lagi ang nagpapakara.

Nakakaurat kasama ang mga ganitong tao. Hindi ka makakasabat. Kapag nagbigay ka ng opinyon, ipapamukha niya sa'yong mukhang titi 'yung opinyon mo, walang kakwenta-kwenta. Kapag nagkaron ka naman ng pagkakataong magkwento, siguradong mas bongga ng isang libong beses 'yung ikukwento niya pagtapos mo, 'yun ay kung patatapusin ka niyang magkwento.

Ito 'yung mga kaibigang madalas mong hindi maaasahan maliban sa pagbabahagi ng kahambugan. Ituturo niya sa'yo ang gagawin. Siya ang magpaplano ng lahat. At kapag pumalpak, siyempre siya ang unang maninisi.

Kailangan lang siguro ng blowjob ng mga ganyang tao.

Monday, May 24, 2010

Minsan.

Nakaamoy ako ng alak kaya dalidali akong naligo para lumabas at makiinom sa matatanda. Ganyan kakapal ang pagmumukha ko na kahit siguro is-isin mo ng kitchen knife ay 'di magagasgasan.

Paglabas ko, medyo nahiya muna ako ng kaunti. Tumambay muna ako sa labas ng gate at nagpahangin kunwari. Tumitingin-tingin ako sa loob kung may mapupuwestuhan pa ba ko kung sakaling papasok. Ayoko namang magmukhang kawawang nakatayo lang sa isang sulok habang nag-lalaway sa pulutan.

Nag-abang muna ko ng tamang pagkakataon. Lumabas 'yung isa, umihi, lumapit sa'kin, niyaya ako. Sakto. Hindi na ko nagpakipot. Dalidali akong sumama para madaanan na ng alkohol ang tigang kong lalamunan.

Ayos pala sa loob eh. Nakabuyangyang lang ang pulutan kasama ng mga baryang ipanghuhulog mo sa bidyoke. Ayaw kong kumanta. Hindi pa malakas ang loob ko para iparinig ang boses kong nakapagpapagaling ng may sakit. Saka na siguro pag lasing na ko. Patuloy lang ang inom, patuloy lang ang tawanan, patuloy lang ang pakikisama. Ayokong mahampas ng bote sa noo.

Hatinggabi na.

Ubos na ang serbesa't nauuhaw pa ako. Ang kapal naman ng mukha ko kung hihingi pa ko ng karagdagan. Hinintay ko silang magkusa at sa awa ng kung sinumang maawain, nagkusa sila. Nagpresinta na akong sumama sa pagbili at maging tagabuhat na rin. Medyo malapit lang naman ang tindahan kaya oks lang.

Pahinga muna saglit sa daan. 4/20 muna. Ayos. Lintek na wala kaming dalang apoy para sindihan ang bestfriend naming halaman. Wala kaming magawa. Kumapa ako sa bulsa ko. Nagbakasakaling may makapang kung ano man. At meron nga. Isang pirasong tsokolateng tagpipiso.

Pinalaman namin dito 'yung damo sabay subo. Soya.

Diretso na kami sa tindahan. Nagkaabutan na ng bayad at ng alak nang biglang may humintong sasakyan sa harap namin. Biglang bumaba ang mga pulis, ilang tanod, mga bondat na alagad ng batas mula sasasakyang mukhang luma na. Kinabahan kami. Masyado namang marami ito kung huhulihin kami nang dahil lang sa curfew. Hindi kami nataranta. Hinayaan lang namin sila. May mga dalang mahahabang baril, sino ba naman hindi tatalbog ang puso sa kaba?

Dumiretso sila sa isang eskinita na parang eksena sa isang pelikula. Mukhang may gulo. Binilisan na namin ang kilos at pinagpatuloy ang inuman.

Hindi ko na matandaan ang iba pang nangyari. Nagising na lang ako sa Baranggay Hall.

Uso - Untitled

Gusto kong magtago ngayon. Hindi ko alam ang dahilan. Parang may bumubulong sa likod ng kokote ko na iwanan ko muna ang masalimuot ngunit enjoy na mundo ng intarnetz. Nababaliw na siguro ako.

Napapadalas ang paghahanap ko ng shoshotain sa Facebook. Nakakairita nga lang ang katarayan ng iba. Kung sabagay, may karapatan naman silang magtaray kasi may mukha sila. Hindi naman sila haloblaks na walang mukha. Tseh.

Kapag maswerte nama'y may natitiyempuhang masayang kausap. Pero makabasag pag-asa ang sumisigaw na Relationship Status niya: In a Relationship. Edi sila na may lovelife. May nobyo na pala eh pinapaasa pa ko. Hindi naman siguro. Sadya lang talagang hindi sila katarayan.

Ayos na rin.

Hindi ko alam kung anong gusto kong sabihin sa blogpost na ito. Siguro'y gusto ko lang dumaldal dahil nalulungkot ako. Gusto ko lang ibaling sa ibang bagay ang atensyon ko. Hindi ko rin alam kung bakit ako nalulungkot. Baliw na nga siguro ako.

Thursday, May 6, 2010

Kumikinang



Ipagpatawad mo aking kapangahasan.
Binibini ko sana'y maintindihan.
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Pero parang sa'yo ayaw nang lumayo
Ipagpatawad mo minahal kita agad.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyari sa akin. Kelan lang kita nakilala pero parang nahuhulog na ang loob ko sa'yo. Ewan. Siguro'y ganun ka lang talaga kadaling mahalin. Masarap kang kausap, hindi ako naiinip. Hindi ko namamalayan ang oras sa tuwing ikaw ang kachukaran ko. Hindi napuputol, patuloy lang ang daloy ng usapan. Lagi akong nakangiti.

'Di ka masisi na ako ay pagtakhan
'Di na dapat ako pagtiwalaan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Pero parang sa'yo ayaw nang lumayo.
Ipagpatawad mo minahal kita agad.

Oo, sa tingin ko'y umiibig na nga ako. Umiibig na ko sa'yo. Pero sa tingin ko rin ay ilusyon lang ang lahat ng ito. Baka masyado lang akong natutuwa sa paraan ng pakikisama mo sa akin. Masyado kong natanggap kung pano mo ako tratuhin. Kaya sa tuwing wala ka'y hindi ko mapigilan ang sariling hanap-hanapin ka. Hindi ako mapakali.

Para akong tangang umaasa na ako ang pinariringgan mo sa mga Facebook status mo. Para akong sabog na natutuwa kapag nagboblog ka tungkol sa'kin, pinapangarap kong tungkol sa'kin. Napapangiting-aso ako kapag nag-aalala ka sakin.

Alam kong mali pero natutuwa ako. Parang nagsuot ako ng pulang salawal sa harap ng toro. Ginawa kong pain ang sarili ko sa bangis na dala ng pagkabigo.

Sana naman ipagpatawad mo
Ang malabis na kabilisan ko
Ngunit ang lahat ng ito'y totoo.

Sana nga'y ipagpatawad mo ang pagpupumilit ko. Ang pagmamadali ko. Alam kong nairita ka sa kahapitan ko kaya ako ngayo'y humihingi ng paumanhin shits. Pero totoo nga ito.

Totoo nga. Hindi. Joke lang.

Wednesday, May 5, 2010

Siomao.

Mukhang lumalabo na ang windshield ng sinasakyan ko. Hindi ko na masyadong makita ang daan. Umuulan ng malakas. Tutuloy pa ba ko?

Hindi ako sigurado ngayon. Medyo malapit-lapit pa lang naman ang tinatakbo ko kaya wala akong panghihinayangan kung sakaling piliin kong bumalik at huminto na lang. Nag-uumpisa pa lang naman akong kilalanin ka at manghimasok sa buhay mo. Kaya puwede pa kong kumambyo ano mang oras na tamarin ako.

Tamarin shitz.

Parang napakapangit gamitin ng salitang 'tamarin' pagdating sa usapang puso. Para mong binanggit nang paulit-ulit ang salitang 'tae' sa gitna ng hapunan ―nakakabastos. Napakawalang kwentang dahilan ang katamaran para makapunit ng puso. Mas maganda sigurong gamitin ang salitang napagod o nawalan ng pag-asa.

Oo. Medyo nawawalan na nga ako ng pag-asa at lakas ng loob na ipagpatuloy ang panunuyo. Parang wala na rin naman kasing pupuntahan. Panay ang lakad ko sa direksyong hindi ko naman alam kung saan ang patutunguhan. Mahirap ang ganito. Ang hindi mo alam kung anong magiging resulta ng pinaggagagawa mo.

Bahala na siguro. Bahala na ang mga Panday Kids sa lablayp ko.

Tuesday, May 4, 2010

Tapos may meryenda.

Ako na siguro ang pinakalooser pagdating sa larangan ng pag-lilibang sa sarili. Hindi 'yung pagsasalsal ang ibig kong ipunto kundi 'yung literal na pag-aaliw sa sarili.

Medyo mababaw lang naman ang kaligayahan ko kaya sa kaunting-kibot lang ay mapapangiti na ko. Ako 'yung tipo ng tao na gustong laging may kasama pero gustong maging loner din. Magulo nga ako pero ganun talaga.

Medyo magaan kasi sa pakiramdam kapag mag-isa ka lang. Mas maraming bagay kang maaappreciate, mapupuna, makikitang kakaiba at marirealize. Ang disadvantage nga lang ng pagiging loner, wala kang mapagkukwentuhan ng tungkol sa mga bagay na ganito, ganyan.

Masaya kapag marami kang kasama lalo na kung talagang komportable kang kasama sila. Lahat ng bagay ay maikukwento mo, masasabi mo, maipagyayabang mo at makakahingi ka rin ng payo. Ang mga kaibigan ay parang alkansya na kapag may inihulog kang barya, may makukuha ka balang araw. Hindi ko sinasabi na siksikan mo ng barya ang puwet ng kaibigan mo o suhulan mo ng pera. Ang ibig kong sabihin ay kapag may ininvest kang tiwala, emosyon, pakikisama, balang araw ay meron ka ring mapapala. Pero puwede ka rin namang mag-invest ng pera.

Nakatunganga lang ako kapag nag-iisa. Paborito kong puwestuhan ay 'yung lugar na maraming puno, malilim at mahangin. Para bang probinsya ang dating. Tahimik. Masarap magmunimuni sa mga ganitong lugar. Lalo na kapag may gitara ka, solve na ang palipas ng oras. Tapos may blade kang dala.

Kumanta ka na lang ng mga emong kanta.

Kung wala naman akong makitang puno, mall ang pangalawang tambayan ko. Hindi man tahimik, malamig at marami namang chikas. Naaaliw akong tumingin-tingin sa kanila kahit na mukha silang mga suplada lahat. Nakakapagrelax din ako doon kahit na hindi ako makapaggitara dahil sa wala naman akong dala.

Malaki din sana ang tulong sa akin ng iPod o ng kahit na anong MP3 Player. Tanggal inip din ito at dagdag libang. Maayos na pampalipas ng oras lalo na kung mga paborito mong tugtog at awitin ang pinapakinggan mo. 'Yun bang mga klase ng tugtuging hindi mo maintindihan ang lyrics dahil sa iba ang lenggwahe nito

Tssss.

Wala kasi akong iPod kaya looser ako.

Mahal ko si Ermats.

Malapit na pala ang Araw ng mga Ermats. Wala akong pera at trabaho kaya hindi ko alam kung mabibigyan ko ng masayang Ermats Day itong si ermats. Nung mga nakaraang taon nga, laging bati at yakap lang ang regalo ko sa kanya. Malamang sa alamang, batang musmos at dakilang palamunin palang ako noon kaya siguro ganun. Well hanggang ngayon naman ay palamunin parin ako..

Pero ngayong medyo malaki na ang Adams Apol ko at makapal na rin ang bulbol ko sa kilikili, parang napakainutil ko naman kung hindi ko mahahandugan si ermats ng kahit na apat na pirasong Boy Bawang at limang-pisong palamig man lang. Masakit sa damdamin ko 'yun bilang panganay at pinakagwapong anak. (dalawa lang naman kaming magkapatid at dalaga ang utol ko kaya ako ang pinakagwapo, at hindi ko alam kung bakit ko pinapaliwanag ito sayo)

Ilang araw na lang ang bibilangin bago ang mahalagang araw niya maliban sa kanyang kaarawan kaya kailangang makaisip ako ng mahusay na paraan para naman mapasaya ko siya kahit sa araw man lang na iyon. Puwede akong mangutang sa mga kaibigan. Hihingi na lang ako kay ermats ng pambayad sa mga susunod na araw..

Kaya sa mga ermats niyo, pakiabot ang aking pagbati ng Maligayang Araw ng mga Ermats..