Mukhang lumalabo na ang windshield ng sinasakyan ko. Hindi ko na masyadong makita ang daan. Umuulan ng malakas. Tutuloy pa ba ko?
Hindi ako sigurado ngayon. Medyo malapit-lapit pa lang naman ang tinatakbo ko kaya wala akong panghihinayangan kung sakaling piliin kong bumalik at huminto na lang. Nag-uumpisa pa lang naman akong kilalanin ka at manghimasok sa buhay mo. Kaya puwede pa kong kumambyo ano mang oras na tamarin ako.
Tamarin shitz.
Parang napakapangit gamitin ng salitang 'tamarin' pagdating sa usapang puso. Para mong binanggit nang paulit-ulit ang salitang 'tae' sa gitna ng hapunan ―nakakabastos. Napakawalang kwentang dahilan ang katamaran para makapunit ng puso. Mas maganda sigurong gamitin ang salitang napagod o nawalan ng pag-asa.
Oo. Medyo nawawalan na nga ako ng pag-asa at lakas ng loob na ipagpatuloy ang panunuyo. Parang wala na rin naman kasing pupuntahan. Panay ang lakad ko sa direksyong hindi ko naman alam kung saan ang patutunguhan. Mahirap ang ganito. Ang hindi mo alam kung anong magiging resulta ng pinaggagagawa mo.
Bahala na siguro. Bahala na ang mga Panday Kids sa lablayp ko.
E bakit ako? Pagdating sa pag-ibig, tinatamad ako. Tinatamad sa paghihintay. Tinatamad akong umasa na balang araw dadating din at makikilala ko ang taong para sa akin. Bakit ganun? Abnormal ba akong maituturing? Ayoko nalang talaga ng pag-ibig. Nakakasawa. Paulit-ulit.
ReplyDeleteHindi ka abnormal. Ang abnormal ay 'yung hindi umibig. Umibig ka naman, tinamad ka nga lang.
ReplyDeleteHindi ako umibig. Lumandi lang ako.
ReplyDeletepwedeng makisabat?
ReplyDeletesasangayon lang naman ako kay kuleleng
lumalandi lang din ako
:D
.xienahgirl